Isang pamilya patay sa salpukan ng motorsiklo at SUV

Tatlo katao ang namatay sa naganap na banggaan ng motorsiklo at SUV sa Roman Highway, Brgy. Calaylayan, Abucay, Bataan bago mag alas otso nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Abucay Police, dead on the spot sina Denmark Magramo, 25 anyos, at Josamae Sarmiento, 23 anyos, habang namatay din kinalaunan sa ospital ang anak nilang 3 taong gulang lamang na si Jhed Mark Magramo.

Base sa salaysay ng ama ni Denmark na si Mang Randy, galing umano ang mag asawa sa pinagtatrabahuhang poultry farm at pauwi na sakay ng single na motorsiklo.

Bigla umanong tumawid sa naturang highway at natyempo namang paparating ang isang Toyota Land Cruiser at nasalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima kung saan dead on the spot ang mag asawa at naisugod pa ang bata sa isang ospital subalit binawian din ng buhay. 

Nasa kustodiya ng Abucay MPS ang driver ng SUV. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews