JIL, Bulakenyos nagluluksa, sa pagpanaw ng ina ni Senator Joel

Nagluluksa ang mahigit anim na milyong miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) maging ang buong lalawigan ng Bulacan sa pagpanaw ng ina ni Senator Joel Villanueva na si Adoracion Jose Villanueva o mas kilala bilang “Sister Dory” nitong Martes ng hapon.

Si Sister Dory ay pumanaw sa edad na 73 na asawa ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Rep. Bro. Eddie Villanueva, founder/ executive director ng ng JIL  church taong 1978. Siya ay pumanaw sa sakit na fatal arrhythmia secondary to septic shock.

Siya ay isang guro at President ng JIL Colleges Foundation Inc. at katuwang ni Cong. Bro. Eddie sa pagtataguyod ng JIL church sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Bukod sa milyon-milyong miyembro ng JIL buhat sa 44 na bansa partikular na ang mga Bulakenyo ay nagpa-abot din ng kaniyang pakikiramay si Governor Daniel Fernando sa mga naulila ni Sister Dory bilang mga lingkod ng Panginoon at kilalang pamilya na mga bulakenyong lingkod bayan.

Si Bro. Eddie ay Kinatawan ng CIBAC Part List habang kasalukuyang  senador naman si Emmanuel “Joel”, alkalde naman ngayon ng bayan ng Bocaue si Eleanor “Joni” Villanueva na asawa ni dating Congressman Sherwin Tugna, ang panganay na si Jon Jon Villanueva ay dati ring Bocaue Mayor na naka-base ngayon sa Amerika habang ang bunso na si Jovy Villanueva lamang ang hindi pa pumapalaot sa mundo ng pulitika subalit nangangasiwa ng mga negosyo ng pamilya.

Ito naman ang pahayag ni Senator Joel sa kaniyang instagram “Paalam sa pinakamamahal ko sa lahat ng mahal  ‘the Lord gave, and the Lord hath taken away; blessed be the name of the Lord.’” Job 1:21

Ang kaniyang mga labi ay nakahimlay sa Jesus Is Lord Colleges Foundation sa Barangay Bunlo, Bocaue, Bulacan at agad na iaanunsiyo ang araw ng libing.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews