SUBIC BAY FREEPORT – Dumagsa ang libo libong jobseekers o mga naghahanap ng trabaho sa isinagawang Build Build Build equals Jobs Jobs Jobs Caravan sa Subic Bay Freeport Zone nitong Sabado (Pebrero 9, 2019).
Dinaluhan ito nila Senator Richard Gordon, DOLE Sec. Bebot Bello, DPWH Sec. Mark Villar, at iba pang opisyal kasama si SBMA Chairperson and Administrator Wilma Eisma.
Ang naturang job fair ay para rin sa mga libo libong mga manggagawa na dating nagtatrabaho sa Hanjin Shipyard na nawalan ng trabaho dahil sa umanoy problemang pinansiyal ng naturang kumpanya.
Katuwang din sa naturang job fair ang DTI, Clark Development Corporation at ang pribadong sektor.
Umabot naman sa mahigit isandaang employers ang nakiisa na karamihan ay nasa construction sector bilang suporta sa Build, Build, Build, Program ng Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ayon kay Department of Transportation Sec. Arthur Tugade, plano ng gobyerno na pondohan ang programang ito (Build, Build, Build) ng Pangulo mula walo hanggang siyam na trilyong piso mula 2017 hanggang sa bumaba siya sa pwesto sa 2022.