KADAMAY spokesperson persona non grata sa bayan ng Pandi

PANDI, BULACAN–Idineklarang persona non grata ng Sangguniang Bayan ng Pandi, Bulacan ang national spokesperson nge Kalipunan ng Damayan ng Mahihirap (KADAMAY) matapos umanoy pagmumurahin ang mga lokal na opisyal at ang hepe ng kapulisan dito habang nagsasagawa ng rally sa isang relocation site kamakailan.

Ang deklarasyon ay ipinalabas sa ilalim ng Resolution No. 196-2020 na pinagtibay ng local government legislative branch sa ginanap na 44th regular session sa Roberto M. Rivera Hall sa munisipyo ng Pandi nitong  December 14, 2020, sa pangunguna ni Vice Mayor Luisa Sebastian.

Ang “Persona non-grata” ay tahasang nagbabawal o ipinagbabawal ang isang indibiduwal na pumunta o pumasok sa isang lugar dahil sa isang pangyayari na ginawa nito tulad ng pambabastos o kawalan ng galang sa mga tauhan lalo na sa opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Mayor Enrico Roque, hindi nila pinapayagan o ito-tolerate ang ginawang “lack of respect for government officials and law enforcement” ni Doringo.

“In a quiet and orderly community here in Pandi, there is no room for a personality like Doringo whose desire is violent and disrespectful a town leader, we will not allow their fighting ideologies to prevail over this town,” ani Roque.

Napag-alaman na nag-ugat ang pagdeklara ng persona non-grata kay Doringo nang magsagawa ng rally ang mga leader at members ng KADAMAY Pandi chapter nitong nakaraang buwan ng Nobyembre sa Village 2 (Atlantika) Barangay Mapulang Lupa dahil umano sa kanilang panawagan kaugnay ng suliranin sa pabahay at supply ng tubig at kuryente.

Dahil nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mamamayang Pandi sa nasabing rally kung saan nabatid na mayroong mga miyembro ng Kadamay ang nagmumula pa sa Maynila, ay minabuti ng mga tauhan ng munisipyo at sa utos na rin ng lokal na pamahalaan dito na huwag payagan ang naturang kilos protesta.

Dito ay nagsimula na umanong pagsalitaan ng hindi maganda ni Doringo hanggang sa minura pa umano nito sina Mayor Roque, Vice Mayor Sebastian, ang mga konsehales ng SB at maging si acting Chief of Police P/Lt. Col. Jordan Santiago.

 “Hindi namin pinayagang mag-rally ang KADAMAY nung  kanilang anniversary nitong November dito sa Pandi for security and health reasons as we are still under pandemic at dahil ang ibang lalahok sa rally ay manggagaling pa sa Manila. Nung hindi naming pinayagan minura si hepe, ako, ang aking vice mayor at mga konsehal sa kanilang iligal na pagtitipon.

Hinayaan naming siyang maglabas-pasok sa bayan ng Pandi kahit nalalagay sa risk ang health at security ng buong bayan pero ‘yung bastusin niya kami sa sarili naming bayan, ibang usapan na yun,” ayon sa alkalde.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews