Kagalang-galang na Senador Marcoleta

Senator Rodante Marcoleta

Chairman, Blue Ribbon Committee

House of Senate, GSIS Building, Financial Center, Roxas Blvd., Pasay City, Metro Manila

Kagalang-galang na Senador Marcoleta:

Magalang po naming hinihiling sa Senate Blue Ribbon Committee na ipatawag si dating Kongresista Aurelio “Dong” Gonzales, kasama ng iba pang mga kontratista, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pang may kinalaman, upang humarap sa ginaganap na pagdinig ukol sa umano’y mga iregularidad sa paggamit ng pondo para sa mga proyektong flood control.

Dahil sa laki ng pondong inilaan para sa mga proyektong ito at sa patuloy na kalagayan ng ating mga komunidad na paulit-ulit na binabaha, nararapat lamang na ang mga taong may direktang kaalaman at naging bahagi ng pagpapatupad ng mga proyektong ito ay magpaliwanag sa harap ng publiko.

Hinihingi ng transparency at accountability na ang mga nabigyan ng proyekto o nagkaroon ng impluwensya sa pagpapatupad nito ay maipatawag at masailalim sa panunumpa.

Ito lamang ang tanging paraan upang maibalik ang tiwala ng publiko at matiyak na ang buwis ng taumbayan ay nagagamit sa tunay na paglutas ng baha, at hindi nauuwi sa pansariling pakinabang.

Nananalig po kami sa mandato ng Komite na pangalagaan ang interes ng mamamayan at umaasa kami sa inyong mabuting pagtugon sa kahilingang ito.”

Magalang na sumasainyo,

Advocates for Genuine and Outstanding Services (AGOS)

Alexander Cauguiran

Convenor