Kalashnikov AK-47 rifles ipinamahagi sa mga Scout Rangers

SAN MIGUEL, Bulacan — Binuksan ng mga kasapi ng First Scout Ranger Regiment o FSSR ng Philippine Army ang Bagong Taon na may mga bagong armas na regalo ng Russia.

Ito’y matapos personal na idineliber ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga Kalashnikov AK-47 Rifles o klase ng baril na mahahaba sa Camp Tecson sa bayan ng San Miguel.

Noong Oktubre 2017 natanggap ng Pilipinas ang mga armas na kaloob ng ng Russia.

Kabilang ito sa mga resulta ng matagumpay na official visit ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Mayo 2017.

Pawang mga bagung bago ang may 5000 Kalashnikov AK-47 Rifles na may katerno pang 5000 ring piraso ng steel helmets. May pasunod pa itong 20 Ural-4320 military trucks.

Ayon pa sa ipinalabas na pahayag ng Department of National Defense, mayroon pang isang milyong kaha o cartridges ng mga bala at pambasabog ang ibinigay din ng Russia.

Napili ng administrasyon na sa FSSR ipagkaloob ang mga regalong armas ng Russia dahil sila ang Special Operations Command unit na eksperto at may sapat na kasanayan upang tugisin ang kalaban sa gitna ng masusukal na gubat, umatake sa mga kalabang hindi nakikita, malapitang engkwentro, labanan sa kalungsuran at malakas na humaharap sa mga pagsabotahe.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews