Kalihim ng DPWH, ininspeksyon ang NLEX Connector Project

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang inspeksyon sa construction site ng itatayong North Luzon Expressway o NLEX Connector na direktang magdurugtong sa South Luzon Expressways o SLEX.

Sinamahan si Villar ng mga opisyal ng NLEX Corporation sa paglibot ng bahagi ng construction site sa mismong katabi ng Philippine National Railways tracks sa lungsod ng Caloocan.

Matapos ang inspeksyon, pormal ng pinirmahan ang contract awards para sa unang limang kilometrong bahagi ng NLEX Connector mula sa Grace Park, lungsod ng Caloocan hanggang sa Espana sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Villar, pinabibilisan niya ang acquisitionng right-of-way upang mapabilis ang konstruksyon at tuluyang masolusyunan ang problema sa trapiko.

Ang NLEX Connector project ay may kabuuang walong kilometro, all elevated expressway na tatahak mula sa New Caloocan Interchange sa bahagi ng 5th Avenue/C3 na daaan sa Espana, na kalauanan ay magdurugtong sa Metro Manila Skyway Stage 3 sa bahagi ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa.

Sa sandaling makumpleto ito sa 2021, magbibigay ito ng mas maginhawang pagbyabyahe ng mga motorista mula sa Gitna at Hilagang Luzon partikular ang mga cargo trucks na tutungo sa mga pantalan sa Maynila at sa mga pambansang paliparan tulad ng Clark at NAIA.

Paiikliin nito ang oras ng pagbyahe mula sa NLEX patungong SLEX ng 60 porsyento at mula sa dating  dalawang oras na tagal ng byahe, aabutin na lamang ito ng halos 20 minuto. (VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews