‘Kasangga: Aksyon Kontra Korapsyon’ magtataguyod ng laban kontra katiwalian

LUNGSOD NG MAYNILA —- Sisimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Philippine National Police (PNP) ang pagtatayo ng mga Anti-Corruption Task Force sa ilalim ng programang “Kasangga: Aksyon Kontra Korapsyon” para sa mas mabilis na proseso ng paglaban sa katiwalian. 

Nitong Huwebes (June 3) ay pinangunahan nina PACC Chairman Greco Belgica at Chief of PNP P.Gen Guillermo Lorenzo Eleazar ang Manifesto Signing, Pledge of Cooperation and Oath of Honesty ng buong pwersa ng kapulisan mula sa ibat-ibang himpilan sa buong bansa sa pamamagitan ng isang zoom conference.

Kasunod ng paglagda sa manifesto ay isusulong na ng PACC at PNP ang pagtatayo ng mga anti-corruption task force sa mga himpilan ng pulisya na tatanggap ng mga reports, magba-validate nito para naman sa kaukulang imbestigasyon ng PACC na ihahain sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago masampahan ng kaukulang mga kaso ang nasasangkot.

Ayon pa kay Belgica, malaking tulong ang pakikipagsanib pwersa nila sa kapulisan para sa mas mabilis na pagtugon sa mga reklamo ng korapsyon dahil alam ng kapulisan ang ground-work.

Aniya, matapos ang pakikipagsanib pwersa nila sa kapulisan ay isang grand manifesto signing ang isasagawa ng PACC sa mga natitira pang ahensya ng pamahalaan na pangungunahan mismo ng Pangulong Duterte ang pagpapanumpa.

Sa pahayag naman ni Gen. Eleazar ay inihalintulad nito ang kurapsyon sa COVID-19 na nakakahawa rin kung hindi agad maagapan.

Kayat ginarantiyahan nito na makikipagtulungan ang kapulisan mula sa ranggo ng chief PNP hanggang sa mga station commanders na makikipagtulungan sila sa ilalim ng programang “Kasangga: Aksyon Kontra Korapsyon” para labanan ang katiwalian gaya ng ipinangako ng Pangulong Duterte.

Samantala, nauna ng nagkipagkasundo sa PACC ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng: Department of Health (DOH), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Transportation (DOTr), National Youth Commission (NYC), Department of Natural Resources (DENR) Liga ng mga Barangay, Union of Local Government Authorities (ULAP), Bureau of Immigration (B.I.), Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim naman ng proyektong “Kasangga: Tokhang Laban sa Korapsyon”. |MHIKE CIGARAL

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews