Kasarinlan

Proletaryo ng Tsino, sumakop sa Timog Karagatan 
Sa bansang sinilangan, POGO ang nasilayan
Pandemya ng COVID ibinahagi ng Tsina
Sa buung bansa nagpasakit
Droga ng Tsina walang hanggang nagpapasakit
 
Kasarinlan na ipinaglaban
Sa panahong nakaraan, parang isang panaginip 
Kumitil sa langay-langayan
Kasarinlan na binayaran ng dugo
Muli ay binasa ng dugo
Kasarinlan… sa takip silim ng kasaysayan
Kasarinlan… buhay na kinitil
Kasarinlan… nasaan ka?
 
(Independece Day 2020)
 
 
‘Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena’
 
Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
Anino niya’y tumatawid sa nanunuyong palayan
Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan
At kaluskos ng hangin sa dahon
‘Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan
Mga kubong pinatatag ng lupa at kawayan
Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan
Nguni’t walang nakasaksi sa palayo niyang lutang
Pagka’t wala nang tao sa Sta. Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay
Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay
Nahihinog ang bunga ng mangga’t bayabas
Pinipitas ng hangin at sa lupa’y hinahampas
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
Iniiwan ang binhing umaasa
At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng…

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews