Kaso ng COVID-19 sa Bataan, 84 na!

Dalawang health workers mula sa bayan ng Mariveles ang nadagdag sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Bataan.

Ito ang iniulat kagabi ni Bataan Governor Abet Garcia base sa report ng PHO nitong ika-30 ng Abril.

Base sa ulat, umabot na sa 84 ang bilang ng mga Bataeños na nagpositibo sa COVID-19 habang 74 naman ang nag negatibo ang resulta nitong Hueves at tatlo ang bagong nakarecover na pawang mga health workers. 

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay pawang mga health workers mula sa Mariveles: isang 27 taong gulang na lalaki at isang 28 taong gulang na babae.

Sa kabuuan, labing walo (18) na ang nakarecover na. Ang tatlong bagong nakarecover ay isang 32 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga, isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Limay, at isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Orani at apat (4) ang pumanaw na.

Nasa 831 ang naghihintay ng resulta at 1,090 ang nag negatibo.
Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay mayroon nang 2,005 na na-test sa buong probinsya ng Bataan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews