Kaso ng COVID-19 sa Bataan pumalo na sa 107

Umabot na sa 107 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Bataan.

Ito ang naging ulat nitong Martes ng Provincial Health Office (PHO) kay Bataan Governor Abet Garcia.

Ayon sa ulat, as of 3:30 p.m. ng Martes, umabot na sa 107 ang bilang ng mga BataeƱong na nagpositibo sa COVID-19.

11 sa mga ito ang mga bagong kaso habang 11 naman ang nagnegatibo sa resulta ng test ngayong araw.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay isang 6 na taong gulang na babae mula sa Abucay, isang 3 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga, isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Bagac, at isang (1) taong gulang na lalaki mula sa Orani.

Sa kabuuan, nananatiling dalawampu’t dalawa (22) ang nakarecover na at lima na (5) sa mga kumpirmadong kaso ang pumanaw. Ang bagong kaso ng pumanaw ay isang 65 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan, na isa sa mga suspected cases noon pang ika-21 ng Abril.

Samantala, 710 naman ang naghihintay pa ng resulta ng test at 1,324 ang nagnegatibo.

Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan 2,141 na ang na test sa buong probinsya ng Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews