BALANGA CITY- Nasa 808 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bataan kung saan 286 dito ang active cases.
Ayon sa ulat ng Bataan PHO, ito ay matapos magpositibo ang 9 na bagong kaso habang 7 naman ang napaulat na mga bagong recoveries o mga gumaling. 506 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarecover.
Umabot naman sa 129 ang mga bagong nagnegatibo sa test at 185 ang pending ang resulta.
Nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga pumanaw na.