Kauna-unahang corn derby sa Gitnang Luzon, idinaos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Idinaos ang kauna-unahang Corn Derby sa Gitnang Luzon sa barangay Anao sa bayan ng Mexico sa Pampanga.

Pinangunahan ito ng Corn Banner Program ng Department of Agriculture o DA katuwang ang Provincial Agriculture Office ng Pampanga.

Layunin ng aktibidad na mabigyang pagkakataon ang mga magsasaka na makapili ng pinakamahusay na binhi ng mais makapagbibigay ng masaganang ani at mataas na kita.

Ayon kay National Corn Program Consultant Candido Damo, mahalaga ang pagpili ng magandang klase ng binhi dahil nakasalalay dito ang magandang ani. 

Aniya 40 porsyento kasiguraduhan na masagana ang ani ay nakasalalay sa binhi, at  60 porsiyento ay nakasalalay naman sa pamamahala nito.

May anim na kumpanya ng binhi ang lumahok sa programa kabilang na ang Advanta Seeds Philippines; Asian Hybrid Seed Technologies, Inc.; Bayer Cropscience, Inc.; Bioseed Research Philippines, Inc.; Corteva Agriscience Philippines; at Syngenta.

Nanguna ang Bayer Crop Science sa variety niyong DK828S sa kategoryang Top Yield Performers kung saan nakaani ng 8.42 metrikong tonelada, sinundan ito ng H102 ng Bioseed Research Philippines, Inc. na nagkamit ng 7.99  metrikong tonelada, at P3585YHR ng Corteva Agriscience na nagkaroon naman ng 7.75 metrikong tonelada.

Sa katergoryang Highest Net Income Generated per Hectare nanguna pa rin ang Bayer Crop Science na nakakuha ng 59,513 piso para sa kanilang DK828S yellow corn variety, pumangalawa rito ang Bioseed Research Philippines, Inc. na may 57,747; at pumangatlo ang PAC 339 ng Advanta Seeds Philippines na may 53,727 piso. 

Samantala, ang Advanta Seeds Philippines ang nakapagkamit ng Highest Shelling Recovery.

Ipinahayag ni Carlos Guevarra ang kanyang pasadalamat sa inisyatibo ng DA para sakanilang magsasaka ng mais.

Ayon sa kanya, isang napakahalangang bagay niyo para sakanilang magsasaka sa Mexico, Pampanga dahil nabigyan sila ng pagkakataong matulungan ng DA at ng mga seed companies.

Hikayat naman ni Regional Corn Program Coordinator Adela Peñalba ang mga dumalong Provincial Corn Coordinators na gawin ang derby sa kani-kanilang lalawigan upang mas maraming magsasaka ng mais ang makinabang sa programa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews