BALANGA CITY – Matapos makipaglaban sasakit na Covid-19 sa loob ng halos isang buwan ay na discharged na o lumabas na sa pagamutan si PH971 na si Dr. Cynthia Tuason-Guevarra.
Kinumpirma mismo ito ng kanyang anak na si Gabriel Jeremiah Tuason Guevarra sa pamamagitan ng kanyang Facebook live video ngayong Abril 14.
Nagpasalamat ang pamilya ni Dr. Guevarra, 70 taong gulang, sa lahat ng mga taong tumulong sa kanila kabilang ang mga kapwa medical workers at iba pang front liners.
Si Dr. Guevarra ay nagtrabaho rin sa Bataan General Hospital sa loob ng mahigit 30 taon.
Sa huling ulat ni Bataan Gov. Abet Garcia kaninang umaga ay umabot na sa 13 ang nakarekober sa 39 na nagpositibo sa Covid-19 sa Bataan.