Sa ngalan ng transparency, isinapubliko ni Senador Ping Lacson ang kanyang panukalang institutional amendments sa 2022 budget bill kung saan isinulong niya ang pagtanggal sa mga kwestyonableng appropriations at pagsiguro na may sapat na pondo para sa priority projects, aktibidad at proyekto – tulad ng ginagawa niya taun-taon.
Isinulong ni Lacson, na mahigpit na nagbabantay sa badyet, ang pagbabawas ng pondo sa mga items tulad ng farm-to-market roads at right-of-way payments para pondohan ang mga programang pang-edukasyon, connectivity, anti-cybercrime at pangangailangan sa para sa susunod na taon.
Sa listahan ng institutional amendments na isinumite ng Senate Finance Committee sa pamumuno ni Sen. Juan Edgardo Angara, pinanukala ni Lacson proposed ang pagbawas sa mga sumusunod na appropriations:
* Department of Agriculture – P1.97-billion kabawasan sa proposed appropriations para sa farm-to-market roads, na dapat na umanong ilipat ang implementasyon sa lokal na pamahalaan ayon sa Mandanas ruling. * Department of Environment and Natural Resources – P2-billion kaltas para sa National Greening Program dahil sa COA performance audit noong 2019.* Department of Public Works and Highways – P1-billion kaltas sa kanilang MOOE para sa routine maintenance ng national roads; at higit P4B pa para sa iba’t ibang proyekto.
Si Lacson ay tumatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma katuwang ang kanyang vice presidential running mate na si Senate President Tito Sotto. Ang priority nila kapag nahalal sa 2020 ay ang proyektong BRAVE o Budget Reform Advocacy for Village Empowerment.