LGU-Dinalupihan, national awardee sa ika-26 taong anibersaryo ng TESDA

DINALUPIHAN, Bataan – Binigyang pagkilala ang local government unit ng Dinalupihan sa ginanap na ika-26 taong Anibersaryo ng TESDA ng bilang TESDA Kabalikat National Awardee.


Ayon kay Dinalupihan Mayor Maria Angela “Gila” Garcia, ito ay isang pagpapatunay na ang isang community based program tulad ng Bahay Pagbabago ay nakapagbigay ng pag-asa sa panahon ng krisis sa buhay ng kanyang mga kababayan.

“Ito po ay naging sustainable dahil sa convergence of programs ng TESDA, PNP, BJMP, DOH, TRC-Pilar, DSWD, DOLE,  DEPED, CHED – BPSU; pro-active participation ng private sector lalu na ng NGCP, malasakit ng Faith Based organizations at lalu na ang mga volunteers at pag-gabay ng ating Barangay Officials,” pahayag ni Mayor Garcia. 

Nagpasalamat din ang Alkalde sa mga Bahay Pagbabago Graduates, sa kanilang pamilya, sa kanilang pagtiwala at pagtanggap sa kanyang mga naging programa. 

Ang Kabalikat Award ng TESDA ay isa sa mga primary reward mechanisms na nagbibigay pagkilala at parangal sa kanilang mga outstanding partners sa promosyon at pagpapalaganap ng kanilang mga programa. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews