Kasama ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Bataan ICT Development Council, ang tanggapan ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman ay maglulunsad ng isang online training para sa mga taga-Unang Distrito ng Bataan.
Ang nabanggit na training, ayon pa kay Roman, ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga Bataeño na nais sumubok sa online freelancing at magbigay ng dagdag na pagkakataon na kumita ng pera at magkatrabaho habang nasa bahay o ang tinatawag ngayong panahon ng new normal na work from home.
Sa mga interesado ay pinapayuhan ni Congresswoman Roman na sundin lamang ang link na ito para makasali: https://tinyurl.com/1DGVA
Para naman aniya sa mga katanungan, bisitahin lamang aniya ang Facebook Page ng DICT Bataan at magbigay ng mensahe: https://www.facebook.com/DICTBataan
Ang deadline ng application for Batch 1 ay sa May 10, 2021 ganap na 12:00 ng tanghali at ang deadline ng mga aplikasyon para sa Batch 2 ay sa May 17, 2021 ganap na 12:00 ng tanghali.