Lungsod ng Tarlac, kinilala ang 95 differently-abled na mag-aaral

LUNGSOD NG TARLAC — Kinilala kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Tarlac ang may 95 na differently-abled na mag-aaral dahil sa pagtatapos ng Grades 1 at 2.

Ayon kay City Social Welfare and Development Office Officer-in-Charge Jimbo Soriano, sila ay mga benepisyaryo ng Early Intervention and Rehabilitation Learning Center na idinisenyo upang tulungan ang mga batang may kapansanan na matuto at mapabuti ang kanilang kasanayan na lumahok sa mga tipikal na aktibidad sa kanilang mga tahanan at komunidad.

Bukod rito, binibigyan rin ng pamahalaang lungsod ng tulong pangkabuhayan ang mga pamilya ng mga naturang mag-aaral.

Ang naturang pagkilala ay nakaangla sa temang “Removing Barriers through Inclusive Education.”

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews