Daan-daang artists mula Luzon ang kalahok sa taunang #LuzonArtFair na ginanap sa Bulwagang Kanlahi noong October 5.
Pinangunahan ang ribbon cutting nina Tarlac Governor Susan Yap, 2nd District Congressman Christian Yap, at Melissa Yap, organizer ng 2024 Luzon Art Fair.
Nagkaroon din ng art talk ang mga artists na kasama sa nasabing event.
Nasa libo-libong artworks naman ang bida ngayong taon kabilang ang mga artwork sa Tarlac National Competition.
Kabilang sa mga art peices na tampok sa art fair ay mga sculpture, digital art na may augemented reality, art toys, at paintings ng isang foundation na sumusuporta sa pag-aaral ng mga new generation of artists.
Magtatagal ang naturang art fair hanggang ngayong Linggo, October 6.