Umabot sa 1,320 persons o 493 pamilya ang apektado ng monsoon rains at mga pagbaha sa buong lalawigan ng Bataan nitong Hueves.
Ang nabanggit na bilang ay pawang mga dinala sa mga evacuations centers habang nasa 578 naman ang mga nasa labas (served outside evacuation centers) ng kabuuang 39 evacuation centers sa buong lalawigan ng Bataan.
Pinakamaraming naitalang apektado sa Balanga City na umabot sa 571 katao o 107 pamilya na nailikas sa 9 na evacuation areas kagaya ng mga paaralan, covered court at senior citizens’ hall.
Sa bayan ng Bagac ay naitala naman ang 578 katao (served outside evacuation centers) ang naapektuhan ng labis na pag-ulan at pagbaha.
Samantala, naitala naman sa P70,528,578.11 ang kabuuang pinsala sa agrikuktura. Sa naturang halaga, mahigit P1.4 milyon ang nasira sa high value crops, mahigit P31.6 milyon sa rice, mahigit P575 libo naman sa mais at P36,879,009. ang damages sa fisheries o pangisdaan.
Dahil sa masamang panahon na dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng Habagat, ay sinuspinde ng provincial government ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan maging ito ay modular, blended o online.
Samantala, sinuspinde rin ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan maliban sa mga disaster response agencies.
Ipinaubaya naman ni Bataan Governor ang pagpapasya sa mga pribadong kumpanya sa pagsususpinde ng pasok ng kanilang mga empleyado.