Hanggang sa buwan ng Hunyo ngayong taon maaaring tumanggap ng application form ang Pag-IBIG Fund para sa calamity loan.
Sa Laging Handa Public Press Briefing nitong Mierkoles, sinabi ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Acmad Moti na nag umpisa ang pagtanggap nila ng aplikasyon nuong March 17 o matapos mapasailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine dahil sa Covid-19 19 Pandemic at tataggal hanggang June 16, 2020.
Pasok dito ang mga myembro ng Pag-IBIG na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ kung saan mababa lamang ang interest rate o tubo sa 5.9%.
Habang sa mga Pag-IBIG members naman na hindi nakatira sa mga lugar na kasali sa ECQ maaari parin silang magloan sa ilalim ng multi purpose loan na mayruong 10.5% interest rate.
Ayon pa kay Moti, nakapagpalabas na ang ahensya ng P932 milyon na pondo para sa 2 short term loans na nasa 57,000 myembro na nila ang nakinabang.
Dahil sarado ang kanilang mga branches maaaring mag fill-up ng loan form online at makapag bigay ang mga myembro ng kinakailangang requirements para maaprubahan ang kanilang loans.
Kapag ito ay aprubado na ng Pag-IBIG maaaring makuha ng mga myembro ang pera sa pamamagitan ng kanilang cash cards.