Nasa mahigit P20 milyon halaga ng damages sa crops at fisheries ang naitala ngayon ng Bataan Provincial Agriculture Office kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Bataan.
Base sa ulat mula sa Bataan PDRRMO, as of 12 noon ngayong Hueves, ang damages sa high value crops kasama ang rice sa Balanga City ay naitala sa P2,270,000.
Samantala sa bayan ng Morong ay umabot naman sa P17,250,297.50 ang damages sa rice crops at 27,187.50 sa corn o mais.
Sa kabuuang bilang base sa partial at unofficial reports ay umabot sa P20,465,925 ang total amount ng mga nasira sa rice, corn, fisheries at high value crops mula sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Morong, Balanga City, Pilar at Orion.
Kasalukuyan pa ang mga isinasagawang assessments sa iba pang bayan hinggil sa mga damages sa agrikultura at infrastructure.
Nanatili naman ang bilang na 776 families at 3,025 katao ang ng mga nasa evacuation centers .