Umabot na sa mahigit P157 milyon ang napinsalang agrikultura at road infrastructure dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian na sinamahan pa ng high tide mula sa Manila Bay sa lalawigan ng Bulacan kung saan isinailalim sa state of calamity ang City Government of Malolos at Municipality of Calumpit.
Dahil sa epekto ng high tide at patuloy na pagtaas ng tubig baha sa mga barangay, ang bayan ng Calumpit sa ilalim ng Resolution No. 112-2021 ay idineklarang under the State of Partial Calamity habang base sa inaprubahang Resolution No. 02-2021, ang Lungsod ng Malolos ay under the State of Calamity.
Base sa report ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) chief Liz Mungcal, dahil sa habagat at high tide ay nalubog sa baha ang nasa 106 low-lying barangays mula sa 5 bayan at isang lungsod sa Bulacan puwera pa ang 7 pang bayan na hindi nai-report sa PDRRMO. Ayon kay Mungcal, ang Malolos City at Calumpit ang siyang pinaka-nasalanta ng tubig baha na umabot hanggang 5 talampakan taas ng tubig baha kung saan 29 barangay sa Malolos City at 22 barangay naman sa Calumpit ang naapektuhan.
Kabilang sa mga bayan na nalubog sa baha ay ang Hagonoy, Bocaue, Paombong, Guiguinto, Balagtas, Sta. Maria, Meycauayan City, Pulilan, Obando at Bulakan, As of 5 p.m. nitong Biyernes, nasa 1,350 Bulacan farmers at 471 fishermen ang naapektuhan ng baha kabilang na ang 1,147.60 ektaryang bukid na mayroong apektadong 907 farmers: 1,562.19 ektarya ng mga fishpond na mayroong 471 fishermen: 67.79 ektarya ng gulayan na mayroong 441 farmers at cornlands. Ang rice crop worth of damages ay umabot sa P20,643,227.18 million; fishery sector P53,407,828.26 million; vegetables P15,791,910.80 million at corn farm P5,214.00 habang P294,800 naman sa livestock industry. Base naman sa report mula sa First District Engineering Office at Provincial Engineer’s Office (PEO), ang damaged to infrastructure ay umabot sa P62,050,000 sa road section at P3,200,000 naman ang provincial government buildings.
Ayon kay First District Engineer Henry Alcantara, nagsagawa agad-agad ang kaniyang tanggapan ng palliative measures sa mga various road sections sa mga major national highways na concrete at asphalt na nasira.
Inatasan din ni Alcantara si Engr. Erning Daos, chief of the Maintenance Division na magsagawa ng immediate patching sa mga potholes para matakpan pansamantala ang mga damaged road sections ng aspalto para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.
Kasabay nito ay hiniling din ni Alcantara ang malalim na pang-unawa ng mga motorista sa mga lugar na hindi pa naaayos dahil sa patuloy na pag-uulan.