Marijuana nasamsam sa Bataan drug raid

HERMOSA, BATAAN – Isang tip mula sa isang courier service ang humantong sa pagkakasamsam ng 30 gramo (gross weight) ng marijuana mula sa isang lalaking claimant sa pamamagitan ng controlled delivery operation sa Barangay San Pedro, bayan ng Hermosa nitong Martes ng umaga (Enero 25).

Kinilala ng mga awtoridad ang lalaking claimant na si Christian Jomar Nedraw, 20 anyos, residente ng Brgy. San Pedro, Hermosa, Bataan.

Ayon sa ulat mula sa PDEA Bataan Provincial Officer, nakatanggap sila ng tip mula sa isang courier service company na ang isang package mula sa Sta Rosa, Laguna ay maaaring naglalaman ng ilegal na droga.

“Ang pakete ay sumailalim sa pisikal na pagsusuri noong Enero 24, 2022 na humantong sa pagkadiskubre ng isang (1) resealable plastic sachet na naglalaman ng MOL 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakatago sa hoody jacket. “, sabi ni PDEA Bataan Chief.

Ang nasabing operasyon ay nagbunga ng humigit kumulang 30 gramo (gross weight) ng marijuana na nagkakahalaga ng Php 5,000.00; isang (1) unit na smart phone; at isang hoody jacket.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA Bataan Provincial Office, PDEA Bataan SIU, Hermosa Police Station, Bataan PPDEU/PIU, at 1st PMFC.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act para sa pagsasampa sa korte.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews