Mataas na grado nakamit ng Samal LGU sa ‘patient satisfaction survey’

SAMAL, Bataan- “Aksyon Malasakit; AMbisyon Natin at Aida Cares Best.”

Ito ang mga pangunahing programa ni Samal Mayor Aida Macalinao na naging daan para makamit ng bayang ito ang mataas na grado sa “patient satisfaction survey” mula sa Philippine Primary Care Studies (PPCS).

Sa panayam ng media kay Mayor Macalinao ay sinabi niya na ito ay “nakatataba ng puso matapos ang isang taong pagseserbisyo sa ating mga kababayan ng Samal.”

Sa pamamagitan ng konkretong programang pangkalusugan, ipinagmalaki ni Macalinao na naisakatuparan ang maayos at organisadong proseso ng medical health care system sa kanyang bayan.

Aniya, mismong si Bataan Governor Abet Garcia ang pumuri sa magandang health care program ng Samal na ayon sa kanya ay sinimulan noong panahon ni dating Mayor Gene Dela Fuente.

Base sa programang ito, sinabi ni Macalinao na bawat mamamayan ng Samal ay may kapitulo na halagang P2,000 upang gamitin sa gamot, laboratories at medical consultations.

Dahil aniya sa sistemang ito ay nakapagtala ng napakagandang resulta ang Samal RHU pagdating sa medical health care system.

Ito ay bunga na rin aniya ng karagdagang pagsasanay sa kanilang mga propesyon at pagbibigay halaga sa kalusugan ng bawat Samaleno at higit itong napatunayan sa kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

“Ang paglaban sa pandemya na may sistematikong pamamaraan ang naging sandata ng ating RHU upang mapag tagumpayan ang lahat ng panganib na maaring idulot nito. Ang pagtalaga ni Dra. Cristina Espino ng mga walk-in/online consultations at electronic medical record approval button ang naging panuntunan upang makamit ang mataas na kalidad ng serbisyong medikal sa ating bayan,” ani Macalinao.

Dagdag pa ni Mayor Aida, sa kinakaharap aniya ngayong pandemya, ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan ay napakahalaga, katulad ng panuntunan umano niya sa kanyang buhay na “health is wealth”, ito aniya ang pangunahing yaman para sa kanyang mga proyekto at programa tungo sa pag-unlad.

“Maraming salamat sa ating Samal RHU Team, Aksyon At Malasakit Mayor Aida De Guia Macalinao, sa bumubuo ng PCCS Team, Doctors Antonio at Inday Dans, Dr. Raffy Marfiori, Philhealth, University of the Philippines, Governor Abet Garcia, Congressman Joet Garcia at Congresswoman Geraldine Roman. Sa pamamagitan ninyo, nakakasiguro kaming mamamayan ng Samal na nasusubaybayan at naalagaan ang aming kalusugan,” dagdag pa ng first-termer Mayor.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews