‘Medical Certificate Scam’ sa Malolos pinaiimbistigahan sa NBI

Hiniling ni Malolos City Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin ang sinasabing “medical certificate scam” upang malaman kung may mga iregularidad na nagawa sa pag-issue ng mga medical certificate mga  locally stranded individuals and individuals with indispensable travels.

“I am asking the help of the NBI to conduct an impartial investigation on the matter. We must be able to get to the bottom of this,” ayon sa punong lungsod.

Dagdag pa nito, “I have complete faith in the wisdom and technical expertise of the people of the NBI to ferret out the truth.”

Nitong Lunes ay lumiham si Gatchalian kay Noel Bocaling, agenct-in-charge ng NBI-Bulacan kung saan nais ng alkalde na magsagawa ng pagsisiyasat sa naturang alegasyon upang lumabas ang katotohanan at managot kung sino man ang sangkot na empleyado ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapalabas ng travel authority.

“We need to establish the truth in order that we can initiate the necessary steps to prevent this from happening again,” ani Gatchalian.

Nabatid na sinisingil umano ng tanggapan ng city health office na nasa ilalim ng pamunuan ni Dr. Victor Batanes ng halagang P100 para sa medical certificate at P400 naman ay para sa isasagawang X-Ray at CBC test ang mga aplikante para mabigyan ng travel pass.

Nabatid na hindi dapat pang singilin ang mga aplikante lalo na at dahilan ng pag-apply at dulot ng umiiral na quarantine o lockdown.

Ang kaganapang ito ayon sa punong lungsod ay lubhang nakaaapekto sa tiwala ng publiko sa integridad at katapatan ng mga tagapaglingkod sa publiko.

“From day one, our goal is clear:  to govern our beloved City of Malolos with complete integrity, honesty, and competence. We will never tolerate corruption and abuse of power under my leadership,” ani Gatchalian. 

Nagpasa naman ang Malolos City Council ng unanimous resolution na nag-aatas kay City Health Officer Dr. Victor Batanes na itigil ang pangongolekta ng nasabing halaga sa mga aplikante ng medical certificate para sa travel pass.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews