Medical frontliners ng Pamarawan Hospital nire-recycle kanilang mga PPEs

Recycled na Personal Protective Equipment (PPE) ang siyang patuloy na ginagamit ng mga medical staff sa Pamarawan Hospital, ang pagamutang nasa karagatan at matatagpuan sa Isla ng Pamarawan sa Lungsod ng Malolos upang makatipid at bilang suporta sa provincial government ng Bulacan laban sa pagsugpo sa COVID-19.

Nabatid na nitong Biyernes ay binisita ni Governor Daniel Fernando ang Pamarawan Island at personal na ipinagkaloob ang tulong o ayuda sa 1,200 families na apektado ng bagyong “Fabian” kung saan nagkaroon ng pagkakataon na pasyalan ng gobernador ang kaisa-isang pagamutan sa coastal area ang Pamarawan Hospital, na extension ng Bulacan Medical Center upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng naturang ospital.

Sa panayam ni Pamarawan Hospital Director Alfredo Agmata sa gobernador, sinabi nito na paulit-ulit nila ginagamit ang mga supply sa kanilang PPE’s upang mapakinabangan ng husto at hindi na lang basta itatapon.

“Nilalabhan namin at dini-disinfect ito pagkatapos gamitin para mapakinabangan pa sa susunod na araw,” pahayag nito sa gobernador.

Aniya, nasa 19 ang kaniyang hospital staffs na tumutulong sa araw-araw na hospital operation.

Nabatid na isa sa kaniyang mga nurse ay nagpositibo sa Covid-19 at ngayon ay sumasailalim sa home quarantine.

Ang Pamarawan Island ay mayroong halos 5,000 populsayon at siyang pinakamalaking island village sa buong coastal area ng Malolos City.

Ito rin ang nagsisilbing pagamutan o pasilidad sa mga kalapit nitong isla ng Namayan, Caliligawan at Masili at Tibaguin at Pugad sa Hagonoy at sa Binakod, Masukol at Sta. Cruz sa Paombong.

“He (Fernando) gave us special cash allowance from the governor’s office and full payment for medical staff undergoing quarantine as well as medicine and supportive therapies thru the hospital aside from those coming from the national government,” ayon kay Dr. Agmata.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews