Mga Bulakenyong nagwagi sa SEA Games 2019, binigyang pagkilala

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinarangalan ng pamahalaan panlalawigan ang mga Bulakenyong atletang lumahok at nagwagi sa katatapos na ika-30 Southeast Asian Games na ginanap sa bansa nitong 2019.

Personal na binati ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga atleta at pinasalamatan dahil sa inuwing karangalan sa lalawigan at sa bansa.

Bukod sa katibayan ng pagkilala, tumanggap din ng tig 10,000 piso ang mga atletang nag-uwi panalo.

Kabilang sa mga kinilala ang mga nagwagi ng medalyang ginto na sina Desiree Ramos Autor mula Santa Maria – Sepak Takraw; Jayson Rafael Torculas ng Marilao – E Sport; Rogen Ladon Oly mula Marilao – Boxing; Dean Michael Roxas ng Bocaue – Jiu-Jitsu; Danica Therese Jose mula sa Bocaue – 5v5 Basketball; Jack Danielle Animam ng lungsod ng Malolos – Basketball 3×3 at 5v5; Fernando Casares ng Bulakan – Triathlon Mixed Relay Event;  at Afril Bernardino mula Calumpit – Basketball 3×3 at 5v5.

Ginawaran din ng parangal si Catherine Pareña Secopito mula sa lungsod ng San Jose Del Monte na nagwagi ng medalyang pilak para sa Chess – Women’s Problem Solving.

Gayundin, kinilala din ang mga atletang nag-uwi ng tansong medalya na sina Jaime I. Viceo V ng San Rafael – Fencing; Jaron Requinton mula sa Santa Maria – Beach Volleyball; Reymond Alferos ng lungsod ng Malolos – Athletics 4x400m Mixed Gender Relay; at Cristine Grace Hipol ng Bocaue – Water Polo.

Samantala, pinagkalooban din ng tig-5,000 piso ang mga Bulakenyong atleta na lumahok bagama’t hindi pinalad na magwagi.

Kabilang dito sina Chanelle Lunod ng Bulakan (Badminton – Doubles); Jessie King Lacuna mula sa Pulilan (Swimming); Mika Reyes ng Pulilan at  Eya Laure ng Norzagaray (Volleyball); Paul Pantig mula sa  Guiguinto (Badminton- Doubles); Alyssa Leonardo ng lungsod ng Meycuayan (Badminton – Mixed and Women’s Doubles); Vladimir Eguia mula sa San Ildefonso at Jonjon Robles ng lungsod ng Malolos (Baseball); Miguel at Rafael Barreto ng Guiguinto (Swimming); James Darel Ordonia mula sa Plaridel, Richard Salano ng lungsod ng San Jose del Monte at Raymond Alferos ng lungsod ng Malolos para sa athletics.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews