Mga kapitan na madumi ang barangay, kakastiguhin ng DILG

LUNGSOD NG MALOLOS — Inatasan ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na iulat sa kanyang tanggapan kung sinu-sinong mga kapitan ng barangay sa Bulacan ang hinahayaang madumi ang kanilang nasasakupan.

Sa pagbisita ni Diño sa modernong punong himpilan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, napuna niya sa pamamagitan ng mga closed-circuit television na maraming sapa at ilang bahagi ng mga ilog sa lalawigan ay aktwal na tinatapunan o tapunan ng mga basura.

Paliwanag niya, nakasaad sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2001 na 60 porsyento ng mga basura ay obligasyong kolektahin at linisin ng barangay habang ang nalalabing 40 porsyento ang sagot ng pamahalaang bayan o lungsod.

Kaya naman dapat ipaalala ng mga opisyal ng barangay sa mga residente nito ilalabas lamang ang mga basura kapag tumapat na sa mismong tarangkahan ang trak na kokolekta.

Dapat ding mahigpit na pagbawalan ang pagtatapon ng mga basura sa mga sapa at kailugan.

Batid ni Diñona sa kabila ng lalong pag-unlad ng Bulacan, sumasabay ang mga suliranin sa basura dahil sa patuloy na pagtaas ng populasyon.

Sa lungsod pa lamang ng Malolos, gumagastos ng may 80 milyong piso sa loob ng isang taon upang hakutin lamang ang basura.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews