Mga kasundaluhan ng 7th ID, lumahok sa local absentee voting

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija — Lumahok ang mga kasundaluhan ng Army 7th Infantry Division o 7thID sa Local Absentee Voting o LAV.

Ayon kay 7th ID Commander Major General Lenard Agustin, kaniyang hinikayat ang mga kasundaluhan na isagawa ang karapatang bumoto at mamili ng mga iluluklok sa pwesto.

Bagamat tagapagbantay aniya ng seguridad at kapayapaan, ang mga kasundaluhan ay may karapatan ding bumoto bilang mga mamamayang Pilipino kung kaya’t idinaos ang LAV upang hindi maging hadlang ang pagtupad ng tungkulin sa kanilang pakikiisa sa eleksyon.

Katulad ng mga nasa Overseas, tanging mga posisyon sa pagka-Senador at Party-list lamang ang maaring iboto sa LAV. 

Bukod sa mga kasundaluhan, bumoto na din ang mga pulis, at guro na nakaduty ngayong halalan.

Kaugnay nito ay ipinanawagan ni Agustin ang kahalagahan ng wastong pagpili sa mga ihahalal na mga tagapamuno lalo na ang pagpili ng Party-list.

Kaniyang paglilinaw, kilalanin o pag-aralang mabuti ang layunin ng Party-list na tiyak makatutulong sa bansa at huwag bumoto na mga adhikai’y sirain ang gobyerno. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews