Mga Malolenyo hinikayat na suportahan ang ‘3-Point Program’ ng pamahalaan

LUNGSOD NG MALOLOS — Hinikayat ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga taga Malolos na suportahan ang 3-Point Program ni Pangulong Duterte.

Sa harap ng libu-libong Malolenyo, sinabi ni Go na una rito ang paglaban sa iligal na droga.

Aniya, ito ang mukha ng halos lahat ng krimen na nangyayari sa bansa kung saan napakaraming buhay ang nasisira.

Imbes na ipambili ang pera ng ipinagbabawal na gamot, gamitin na lamang ito sa mga anak, pag-aaral at sa araw-araw na pagkain ng pamilya.

Pangalawang ipinanawagan ni Go ang pagsupo sa korapsyon. Dapat ay interes ng nakakarami at ng bayan ang unahin bago ang interes ng pagkakaibigan.

At ang panghuli ang kampanya laban sa kriminalidad. Ani Go, tinapos agad ni Pangulong Duterte ang giyera sa Marawi upang sugpuin ang terorismo.

Kung hindi nasugpo agad ito mas marami sibilyan o inosente ang magbubuwis ng buhay.

Nagsilbing highlight ng kanyang pagbisita sa kabiserang lungsod ng Bulacan ang pamamahagi ng school supplies sa may 50 kabataan. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews