DONYA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan — Naghahatid at nagtitinda na ng murang bigas ang National Food Authority o NFA sa mga dulo at tagong barangay sa Bulacan.
Ito’y bilang tugon sa utos ni Pangulong Duterte na palawakin at paigtingin ang pagtitinda ng mga murang bigas upang pababain ang implasyon sa bansa.
Bilang bahagi nito, umabot na sa bulubunduking barangay Kalawakan sa bayan ng Donya Remedios Trinidad ang pagtitinda.
Ayon kay NFA Provincial Manager Elvira Cruz-Obana, tinatawag ang proyekto na Tagpuan Day Rice Response Delivery kung saan ibibenebenta ang bigas ng 27 piso kada kilo.
Kabilang sa mga napuntahan na ng ahensya ang lungsod ng San Jose Del Monte at Meycauayan at mga bayan ng Marilao at Balagtas.