MIS chief ng Mariveles LGU patay sa shooting incident

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang hepe ng Management Information System o MIS ng Mariveles LGU, sa Polares Subdivision, Brgy. Mt. View, Mariveles, Bataan, ganap na 6:10 ng gabi nitong Huwebes. 

Sa inisyal na ulat ng Mariveles PNP, kinilala ang biktimang si Jonathan Dela Cruz, 35 anyos, at residente ng naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na kararating ng biktima sa kanyang apartment nang biglang dumating din ang dalawang suspek lulan ng isang itim na motorsiklo at nagkaroon umano ng pagtatalo na humantong sa suntukan o fist fight. 

Nang bumagsak ang biktima sa semento ay pinaputukan umano ito ng isa sa dalawang suspek. Sinubukan pa umanong humingi ng tulong ni Dela Cruz subalit muling binaril ito hanggang sa mapatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews