Multi-sector suportado ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

Daan-daang mga tagasuporta mula sa multi-sectoral groups na kumakatawan sa mga kabataan, transportasyon, maralitang taga-lungsod, magsasaka, mangingisda, frontliners, at impormal na sektor ang nagtipon sa iconic FPJ Statue sa Maynila upang upang suportahan ang paghahain ng Certificate Of Candidacy (COC) ng FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa darating na 2025 elections.

(Mula sa kaliwa) FPJ Panday Bayanihan Partylist nominees Hiyas Dolor, 3rd Nominee; Senator Grace Poe; Brian Poe, 1st Nominee at Mark Patron, 3rd Nominee ay naghain ng kanilang Certificates Of Candidacy (COC) noong Huwebes.

Pinangunahan nina FPJ Panday Bayanihan Partylist nominees Brian Poe bilang 1st Nominees kasama sina Mark Patron, 2nd Nominee at Hiyas Dolor, 3rd Nominee ang pormal na  paghahain ng kanilang COC kung saan sinamahan sila ni Senator Grace Poe sa paghahain.

Ang kaganapan ay nagsilbing isang makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa at suporta para sa partylist, na hango sa walang hanggang pamana ng yumaong Fernando Poe Jr.

“Kami, ang Political Officers League of the Philippines (PHOLPhil), kasama ang aming nationwide networks ay lubos na sumusuporta sa FPJ Panday Bayanihan Partylist,” pahayag ni Ric Serrano, Secretary General ng POLPhil.

“Nawa’y buhayin ninyo ang mga adhikain at adbokasiya ng The King, FPJ., ang ika-14 na pangulo ng republika ng Pilipinas sa puso at isipan ng sambayanang Pilipino,” dagdag ni Serrano.

Nagpahayag din ng kaniyang pagsuporta si Krissy Abesamis, Youth Leader, Manila Chapter BAYANIHAN na ayon sa kaniya,  “Alam namin bubuhayin ng FPJ Panday Bayanihan ang adhikain ni ‘Da King FPJ, na minahal ng milyong Manileño. Push, FPJ Panday Partylist!”

Kabilang sa mga sumuporta ay ang matagal nang tagasunod ni FPJ, na marami sa kanila ay dating bahagi ng wala na ngayong organisasyong FPJPM, na sumuporta sa pangunguna ni FPJ noong 2004.

Ang mga orihinal na tagasuportang ito ay nag-rally sa ilalim ng bandila ng FPJ Panday Bayanihan, na muling nagpapatibay sa kanilang katapatan at dedikasyon sa layunin.

Si Raymond “Manolo” Mercedes, isa sa mga orihinal na tagasuporta ni FPJ noong 2004 at isang kilalang pinuno ng kilusan, ay naging instrumento sa pagtitipon ng grupo para sa napakahalagang okasyong ito.

“May bagong umaga parating pasa sa pag papanday ng bagong umaga,” wika ni Mercedes.

Binigyang-diin ni Mercedes ang kahalagahan ng muling pagsasama-sama, at binanggit na ang FPJ Panday Bayanihan ay kumakatawan sa pinakahihintay na sagot sa kanilang panawagan para sa isang politikal na plataporma na naglalaman ng mga pagpapahalagang pinaninindigan ni FPJ — katarungan, pagkakaisa, at tunay na paglilingkod sa bayan.

Sa dumaraming pahayag ng pagsuporta mula sa iba’t ibang sektor, patuloy na lumalakas ang FPJ Panday Bayanihan habang naghahanda ito para sa 2025 elections, na naglalayong kampeon ang mga adhikain na nagpapasigla sa buhay ng mga marginalized na Pilipino habang pinararangalan ang pamana ni Fernando Poe Jr.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews