Must try soda home cleaning hacks! Para sa madaling pamumuhay

The road to having your own home was never easy pero ang pagpapanatili ng bawat sulok nito para maging maayos at malinis ay hindi rin madali. Kadalasan, malaking halaga ang kailangan sa mga produktong pampalinis at pampaayos ng bahay.

Huwag mag-alala. Isang product lang ang kailangan mo para alisin ang mga stains at rusts—ang SODA. Surprised? Maaari niyong subukan ang mga sumusunod.

 

1. TOILET CLEANER

Ang toilet bowl ang isa sa karaniwang hindi masyadong binibigyan ng time and effort para linisin. Sa mga maseselan, maari niyong subukan ito: Buhusan ang gilid ng bowl ng 1 can of soda at hintayin ng ilang minuto. Pagkatapos, i-flush ang bowl.

 

2. REMOVES STUBBORN STAIN

Kung namamahalan ka sa stain remover, kumuha ng soda at ihalo sa detergent ng labahan. Hindi lang ito makatatanggal ng mantsa, madedeodorize pa nito ang mga damit! Dahil sa carbonic at phosphoric acid na taglay ng soda, maaalis kahit ang pinakamatinding mantsa.

 

3. RUST FIGHTER

Kung namomroblema sa mga nangangalawang na gamit, ibabad ito sa soda o kaya ay kumuha ng basahan, ibabad sa soda at ikuskos sa nangangalawang na parte. Ang phosphoric acid galing sa inumin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng corrosion at dahilan kung bakit tuluyang matatanggal ang kalawang.

 

4. PANG-ALIS NG BURNT POTS


Nawawalan na ng pag-asa sa mga sunog na kawali? Don’t worry! Buhusan lang ito ng soda and after a few minutes, it will be as good as new.

 

5. REMOVES MARKER STAINS


Para matanggal ang marker stains sa carpet o damit, lagyan ito ng soda and leave for several minutes. Pagkatapos, labhan na ito.

 

6. REMOVES GASOLINE SMELL FROM CLOTHES


It is really a struggle kapag lalabhan na ang damit na nalagyan ng gas lalo na’t malakas ang amoy nito. Ang easiest at cheapiest way para matanggal ang amoy ay through a 1 can of soda. Ibuhos lang ito sa washer at labhan ang damit.

 

7. FLOOR CLEANER


Hindi lang sa damit gumagana ang powers ng soda dahil pati sa sahig, pwede rin itong gamitin. Just empty a can of soda at ibuhos sa isang timbang tubig at ito ang gamitin panglampaso.

Sa mga pakinabang na ito, siguradong you will never look soda the way you did before dahil sa cleaning powers nito. Abot-kayang panlinis para sa’yong abot-kayang bahay!

Sources:
http://www.emlii.com/43c295c/28-Strange-But-Absolutely-Mind-Blowing-Coca-Cola-Hacks-That-Will-Revolutionize-Your-Life
http://www.instructables.com/id/10-Unusual-Uses-For-Coca-Cola/
http://tiphero.com/uses-for-coca-cola/

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews