Nasawing sundalo mula sa 48IB, negatibo sa COVID-19

LUNGSOD NG MALOLOS — Negatibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang isang pumanaw na sundalo na bahagi ng Army 48th Infantry Battalion o 48IB.

Ayon kay 48IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, dinala ang sundalo sa Norzagaray Municipal Hospital matapos makaramdam ng hirap sa paghinga. 

Siya ay ideneklarang dead on arrival sanhi ng Acute Myocardial Infarction Bronchial Asthma with Acute Exacerbation.

Upang masigurong hindi sa COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay, isinagawa ang hematologic test, chest x-ray gayundin ang swab testing ng biktima at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine. Lumabas ang resulta na hindi COVID-19 ang dahilan ng pagkamamatay nito.

Ayon pa sa opisyal, walang history of travel o na-deploy sa checkpoints at wala rin nakasalamuha na person under investigation o persons under monitoring ang naturang sundalo.

Samantala, habang hinhintay ang resulta ng test inilagay sa quarantine facility sa Fort Magsaysay Army Station Hospital ang kanyang mga kasamahang sundalo.

Sa sandali umanong matapos ang kanilang quarantine period ay nakahanda muli silang ideploy at magsilbi sa bayan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews