NLEX Harbor Link Segment 10, magpapaluwag ng trapiko sa Balintawak

Ang bagong bukas na Karuhatan Interchange sa NLEX Harbor Link Segment 10 ay maghahatid ng karagdagang pag-unlad at kaginhawahan sa paglalakbay dahil ang mga motorista mula sa MacArthur Highway, Valenzuela City at mga kalapit-lugar ay mas mabilis na makapunta sa C3 sa Caloocan City vise versa.

“Ang bagong interchange na may entry at exit toll plazas, ay inaasahang magpapababa ng trapiko sa timog ng Balintawak dahil magbibigay ito ng mas accessible na koneksyon sa mga expressway papunta at mula sa MacArthur Highway at iba pang lokal na kalsada,” ayon kay NLEX Corporation President at General Manager Luigi Bautista.

Nabatid na higit sa 100,000 na sasakyan ang nabawasan sa timog ng Balintawak habang ang mga motorista sa Manila Port ay ibayong kaginhawahan sa paglalakbay ang narraranasan dala ng NLEX Harbor Link Segment 10 na binuksan sa publiko nito lamang Pebrero 28.

Ibayong ginhawa rin ito sa mga mangangalakal na nagmumula sa Gitnang Luzon partikular na sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija dahil mas mabilis nilang madadala sa kanilang destinasyon ang kanilang mga kalakal.

Ang nasabing 5.65-kilometro, 6-lane elevated expressway ay babagtasin ang mga lungsod ng Valenzuela, Malabon hanggang sa New Caloocan Interchange sa C3, Caloocan City. Kasama rin dito ang under construction ng seksyon ng 2.6 kilometro mula sa C3 hanggang R10, Navotas City.

“Pinagmamadali namin ang pagkumpleto ng C3-R10 Section sa Disyembre sa taong ito upang agad na matugunan ang masikip at malalang daloy ng trapiko na nararanasan partikular na tuwing peak hour,” ayon kay Bautista.

Una nang makikinabang ay ang mga motoristang cargo trucks na lilipat dito dumaan na kung saan ay made-decongest nito ang mga kalsadahan sa Balintawak, A. Bonifacio, at Mac Arthur Highway. Mula naman sa dating isang oras na biyahe mula sa Karuhatan, Valenzuela City papuntang C3 Road, Caloocan City ay magiging 5 minuto na lamang ang biyahe.

Isang buwan pagkatapos ng pagbubukas nito, patuloy na tumataas ang bilang ng mga sasakyang dumaraan sa nasabing NLEX Harbor Link Segment 10 na umabot na sa mahigit 200,000 mga sasakyan na nanggagaling mula sa parehong direksyon sa northbound at southbound.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews