Sa darating na Sabado (Agosto 1) ay bubuksan muli sa publiko at mga motorista ang NLEX Philippine Arena Interchange sa Bocaue, Bulacan makaraang pansamantalang isara dahil sa coronavirus pandemic restrictions para magamit bilang “We Heal As One” quarantine facility.
Para mapigil ang pagkalat ng COVID-19, gagamitan ito ng contactless transactions gamit ang RFID bilang parte ng NLEX Corporation’s effort na matulungan ang mga motorista maka-avail ng cashless transactions, ang nasabing tollway company ay maglalagay ng RFID installation sites sa mga strategic areas ng Philippine Arena Interchange.
Nabatid na ang mga cash-paying motorist na dadaan dito ay kailangang mag-sign up ng RFID account at makabitan ng RFID ang kanilang sasakyan bago pumasok at lumabas.
“The interchange is surrounded by a mega quarantine facility, a prospective terminal for northern provincial buses—both are inside the Philippine Arena complex, and a molecular testing laboratory located at the western portion. For everyone’s safety, we are implementing the RFID-only policy at the interchange. This would ensure physical distancing through cashless payments,” said NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista.
Ayon sa NLEX Corporation, ang pagsulong sa paggamit ng contactless payments o ang nasabing hakbangin ito ay alinsunod sa derektiba ng Department of Transportation (DOTr) – Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) para sa sapilitang paggamit ng RFID at ang patuloy na RFID interoperability project na naglalayong pag-isahin na lamang ang electronic toll collection systems sa lahat ng expressways sa bansa.
“We are committed to provide our customers with safer and innovative payment solutions such as the RFID. We have several installation sites within the expressway and even offer 24/7 RFID installation for those who are not available during specified business hours,” ani Bautista.
Nabatid na sa muling pagbubukas ng Philippine Arena Interchange ay makakatulong sa Bocaue Interchange at ng kabubukas lamang na Tambobong Interchange.
Ayon pa kay Bautista, ang Tambobong at Phil Arena Interchange ay kapwa maghahatid ng kaluwagan sa mabigat na daloy ng trapiko para sa mga motoristang pumapasok sa Bocaue Toll sa bahagi ng Governor F. Halili Road papuntang bayan ng Sta.Maria, Norzagaray, Angat at Pandi at mga bayan sa eastern part ng Bulacan.