LUNGSOD NG MALOLOS — Handa na ang North Luzon Expressway o NLEX at Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX sa inaasahang dagsa ng mga motorista ngayong Semana Santa.
Ayon kay NLEX Corporation Vice President for Technology Glen Campos, suspendido lahat ng mga road works sa NLEX at SCTEX hanggang sa Abril 22.
May 700 telllers at patrol officers ang kanilang ide-deploy upang maging maayos ang trapiko at mabilis ang toll collection service.
Mula Abril 15 hanggang 22, magkakaroon ng extended working hours upang mas higit na ma-monitor ang inaasahang mataas na bilang ng sasakyan sa Balintawak, Mindanao Avenue, Bocaue, Tarlac, San Miguel at Tipo toll plazas.
Mula Abril 17 hanggang 22, aabot sa 50 porsyento ang kanilang idaragdag na collections points.
Bukod rito, magkakaroon din ang kumpanya ng motorists campssa kahabaan ng NLEX at SCTEX na kumpleto sa free calls, wifi connection, drinking water, basic mechanic services, at first aid treatment.
24 oras din ang free towing services sa pinakamalapit na exit para sa Class 1 vehicle simula alas-sais ng umaga ng Abril 17 hanggang sa Abril 22.