No entry at exit policy ipinatupad sa Pandi, Bulacan

Total lockdown na rin sa mga papasok at lalabas ang bayan ng Pandi, Bulacan kaugnay ng kinahaharap na suliranin at upang mapigilan ang pagkalat ng Corona Virus (COVID-19).

Kahapon (Martes) simula alas-7:00 ng umaga ay ipinairal na ng Pamahalaang Lokal ng Pandi ang di pagpapapasok ng mga indibidwal na magbubuhat sa ibang lugar papasok sa nasabing bayan gayundin ang mga manggagaling sa loob palabas ng Pandi.

Kaugnay pa rin ng COVID-19, hiniling ni Pandi Mayor Enrico Roque sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na totally ipatigil na ang mga operasyon ng quarry gayundin ang mga resorts sa nasabing bayan bilang pag-iwas na rin sa posibleng pag-mulan ng pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinatutupad sa mga boundaries ng Pandi palabas ng mga bayan ng Angat, Sta. Maria, Bustos at Balagtas ang no entry/ exit policy bilang bahagi ng Enhance Community Quarantine na kailan lang ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang derektiba.

Ayon kay Mayor Roque, kabilang dito ang Barangay San Roque-Manggahan sa Sta Maria, Barangay Bunsuran 2nd-Santol sa Balagtas, Barangay Cupang-Liciada sa Bustos at Barangay Siling Matanda-Engkanto sa Angat kung saan ang mga ito ay total lockdown.

Sinabi ng alkalde na kailangang sumunod at magsakripisyo ang bawat mamamayang maaapektuhan dahil ang hakbang na ito ay para rin sa kanilang kaligtasan.

Nabatid na hindi uubrang makapasok sa nasabing bayan ang mga magmumula sa ibang bayan o lugar kung ang mga ito ay wala naman negosyo sa Pandi o di kaya naman ay dadalaw lamang.

Ang mga mamamasukan naman o meron ibang negosyo sa labas ng Pandi ay kailangan munang kumuha ng exit pass sa kanilang mga barangay para payagang mkalabas.

Ang mga mangagaling naman sa lugar na mayroong kaso ng COVID-19 kabilang ang mga balik-bayan at Overseas Filipino Workers (OFW) ay kinonsiderang mga Persons Under Monitoring (PUM) na kailangan din dumaan sa barangay upang isailalim sa 14-day home quarantine.

Samantala, nabatid na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng quarry at ng ilang mga resort sa lalawigan ng Bulacan na dapat umanong pansamantalang ipahinto.

Ayon kay Mayor Roque, ang quarry operation sa bayan ng Angat ay idinadaan ang malalaking truck papasok sa bayan ng Pandi na ginagawang gateway papunta sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Katwiran umano ng driver operator ay government project umano at hindi dapat abalahin.

Pinatigil na rin umano ni Roque ang lahat ng resorts sa kaniyang nasasakupan na kung saan sa bayan ng Pandi matatagpuan ang capital wave resort sa bansa ang Amana Water Park.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews