CITY OF MALOLOS — Kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang isinagawang pagsalakay at search operation ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) Intelligence Unit at Malolos City Police sa bahay ng isang mamamahayag nitong Miyerkules ng gabi dahil sa umanoy illegal possession of firearms.
Base sa report, bandang alas-7:30 ng gabi nang sumalakay ang mga nabanggit na operatiba sa bahay ni Orlan Mauricio, reporter ng Manila Standard at lifetime member ng NPC sa No. 43, Golden Street, Felicisima Village, Barangay Mojon sa Malolos City armado ng dalawang search warrants na ipinalabas ni Hon. Presiding Judge Nemesio Manlangit, MTC Branch 2, City of Malolos, Bulacan na may petsang 23 September 2020 for illegal possession of firearms or Violation of Section 28, RA 10591 laban sa anak nitong si Oliver Paul Mauricio alias “Sampaul”.
“The Club denounces, in the strongest possible term, the complicity, wittingly or unwittingly, of the Bulacan PNP, under Col. Lawrence Cajipe, and the local municipal court, over their participation in the flagrant violation of the civil rights of Mauricio for political ends,” ayon sa social media post ni NPC Vice President Paul Gutierrez.
Gayunpaman, walang nakita na nakasaad na items o articles subject sa search warrant pero habang isinasagawa ang search operation ay aksidenteng nadiskubre ng kapulisan habang naghahalughog ang mga sumusunod: 2 small scissors; 1 red lighter; 1 small burner; 1 used aluminum foil with traces/residue of suspected “shabu”; 5 piraso ng crumpled aluminum foil na nasa loob ng electric kettle box; at 1 jumbo roll of aluminum foil.
Ayon sa amang si Mauricio, ang mga nasabing ebidensiya ay “planted” umano at inihahanda na niya ang pagsampa ng kontra demanda laban sa mga police “raiding” team kung saan nabatid na maraming mga valuable items na pag-aari nito at ng kaniyang asawa at anak ang nawala matapos ang search operationat makaalis ang mga pulis.
Ayon naman kay Cajipe, ang nasabing search operation kaugnay ng execution ng nasabing mga search warrants ay isinagawa ng naaayon sa proper procedure.
“The subject’s father, his lawyer together with a Barangay official witnessed the conduct of the search and thereafter pertinent documents were signed and issued,” ayon kay Cajipe.