Obra ng ‘Filustrados’, tampok sa Tanglawan Festival ng SJDM

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Tampok ang obra ng mga Filustrados o isang grupo ng mga batang artists sa katatapos na art gallery na bahagi ng Tanglawan Festival 2019 ng lungsod ng San Jose del Monte.

Ang eksibit ay binubuo ng 15 obra na naglalarawan ng pag-asa. Ito ay base sa tema ng naturang festival na “Kanlungan ng Bagong Pag-asa.”

Ayon kay Mayor Arthur Robes, ang “tanglawan” ay isang simbolo ng lungsod mula sa dati nitong taguri na relocation o resettlement area tungo sa pagiging isang rising city.

Patunay anya rito ang pag-usbong ng maraming negosyo at mamumuhunan tulad ng mga naglalakihan malls at maging istudyo ng isang TV network.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews