OMB raid sa Bulacan: P100M computer gadgets kumpiskado, 2 Chinese nationals, 1 pa arestado

Sinalakay ng mga tauhan ng Intelligence agents ng Optical Media Board (OMB) ang isang establisyimento dahil sa paglabag sa Republic Act No.9239 na mas kilala sa Optical Media Act of 2003 kung saan aabot sa halagang P100 milyon na computer set, gadgets at mga TV na mayroong storage device ang kinumpiska habang dalawang Chinese nationals ang inaresto at isang Filipina sa isinagawang raid Huwebes ng hapon sa Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay OMB Chairman Atty.Christian D. Natividad, ang mga inaresto ay kinilalang sina Quan Xi Gua at Huang Yingjie at ang nagpakilalang secretary na si Joy Alegado na inabutan sa loob ng Ecom Electronics Reconditioning Services.

OMB Raid—Si OMB Chairman Atty. Christian Natividad (kanan) habang kinakausap ang dalawang Chinese nationals na naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang establisyimento sa loob ng IRS Industrial Complex sa Guiguinto, Bulacan kung saan aabot sa halagang P100-milyon ang nakumpiskang computer gadgets dahil sa paglabag sa Republic Act 9239 o Optical Media Board Act of 2003. Kuha mula kay ERICK SILVERIO

Base sa panimulang imbestigasyon, ang pagsalakay ay isinagawa bandang alas-2:00 ng hapon sa nasabing establisyimento na matatagpuan sa loob ng IRS Industrial Complex sa Mercado St., Guiguinto, Bulacan.

Tinatayang nasa P100M.halaga ng mga personal computer , computer monitor , TV na nilagyan ng storage devices at mga universal serial Bus or flashdrive ang nadiskubre sa loob ng nasabing bodega na walang kaukulang lisensiya mula sa tanggapan ng Optical Media Board.

Ayon kay Atty.Natividad nadiskubre ang nasabing bodega matapos na magpadala ng application sa tanggapan ng OMB para sa lisensya ng nasabing establisimyento sa pamamagitan ng online application  ang isang nagpakilalang may-ari na si Jocelyn Drueco Casimiro .

Gayunpaman natuklasan ng OMB na isang dayuhan umano ang siyang may-ari ng nasabing establisimyento at inamin mismo ng nagpakilalang sekretarya nito na isang Chinese National ang may-ari ng Ecom Electronics Reconditioning Services at hindi si Casimiro.

“Itinuturing natin na posibleng ‘dummy’ lamang si Casimiro at  isang Chinese National ang may-ari ng nasabing compound, na ang mga nadiskubreng mga kontrabando na pawang walang kaukulang lisensiya mula sa Optical Media Board na  inangkat pa mula sa bansang Korea na kanilang pinapalitan pagdating sa ating bansa upang maging bago saka nila ibinibenta sa merkado,isang panlilinlang ang kanilang ilegal na gawain sa ating gobyerno na tahasang nilabag ang Republic Act No.9239” ani Natividad.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews