Open dumpsite sa Limay ipinasara ng DENR!

LIMAY, Bataan — Nitong Mierkoles ng hapon ay nag isyu na ng  Cease and Desist Order ang DENR Central Office sa natuklasang diumano’y illegal na operasyon ng open dump site sa Sitio Mamala, Barangay St. Francis 1 ng bayang ito para tuluyan itong ipasara.

Pinangunahan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda ang inspection sa Limay kung saan natagpuan ang gabundok na mga basurang kamakailan lamang naitapon sang ayon sa isang caretaker doon na nakausap ng ng mga DENR officials.

Dagdag pa ni Antiporda na siyang DENR Undersecretary for solid waste management and local government unit concerns and supervising undersecretary for strategic communication and initiative services, kapag natuklasang nagpabaya at lumabag sa batas ang mga opisyal sa LGU Limay sa pamumuno ni Mayor Ver Roque, ay posibleng silang makasuhan ng paglabag sa R.A. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act)
Nilinaw naman ng opisyal na walang halong pulitika ang kanilang naging aksyon dahil bahagi ito ng Manila Bay Rehabilitation Project ng DENR sa kautusan na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Mayor Ver Roque ay tumatakbong gobernador ng Bataan at katunggali ni incumbent Bataan governor Abet Garcia.

Nakasaad sa CDO na nilabag ng mga opisyal ng bayan ng Limay ang RA 9003 dahil simula nang ipatupad ang batas na ito noong taong 2000 ay dapat sana’y ipinasara na ng lahat ng open dumpsite ng mga local government units.

“Ang alam namin isinara na nila itong open dump site nila the nakipag kontrata sila sa MetroClark and they are saying transfer station ito pero dito it turns out mukhang dito talaga sila nagtatapon,” ayon kay DENR Bataan PENRO chief Raul Mamac habang kausap siya ni Usec. Antiporda.

Bukod dito ay nakasaad sa CDO na pinagrereport din ni Antiporda ang mga LGU officials ng Limay para magpaliwanag at ipresenta ang kanilang “immediate plan of action” para sa pagpapasara at rehabilitasyon ng naturang dumpsite.

“Kakasuhan namin ang lahat ng responsable dito pero malinaw ang naging paglabag dito ng nga LGU officials,” dagdag pa ni Antiporda.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews