OTOP Next Generation, sentro ng Bulacan MSME

LUNGSOD NG MALOLOS — Sentro na kakaaprubang 2017-2022 Bulacan Micro, Small, and Medium Enterprises o MSME Plan ang One Town, One Product o OTOP Next Generation.

Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Provincial Director Zorina Aldana, layunin ng programang unang inilunsad noong 2005 na palakasin, suportahan, at lalong itaas ang antas ng mga produktong likas na nililikha sa isang partikular na bayan o nayon.

Katambal ng pagbabalik nito ang pagpapatuloy ng programang Shared-Service Facilities ng DTI upang matulungang mapalakas ang produksyon ng mga MSMEs habang pinapanatili ang mataas na kalidad nitong papasa sa pandaigdigang merkado.

Magkakaroon din ng mga Go Lokal! Stores ang DTI kung saan ang mga mapipiling MSMEs ay libreng maibebenta ang kanilang mga OTOP.

Ito ay ipupwesto sa mga prime spaces at high retail outlets ng mga malalaking malls, pantalan, paliparan at iba pang pangunahing pinupuntahan ng mga turista at mamimili. (CLJD/SFV-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews