OTOP Philippines Hub sa Bulacan, bukas na

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinangunahan ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang pagbubukas ng One Town, One Product o OTOP Philippines Hub sa capitol compound, lungsod ng Malolos.

Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ireneo Vismonte, lubos ang pasasalamat ng kanilang ahensya sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan dahil sa oportunidad na maipakita at maibenta ang mga food at non-food products ng iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa.

Aniya, nakikipagtulungan ang DTI sa mga lokal na pamahalaan, asosasyon at kooperatiba sa buong kapuluan sa pagiibang anyo ng mga pasalubong center at souvenir shops tungo sa isang market access platform para sa mga mamimili at turista.

Ito ay rin ay preparasyon ng mga micro, small and medium enterprises o MSMEs para maitampok sa mga Go Lokal stores basta dekalidad ang kanilang mga produkto. Matatagpuan ang mga naturang tindahan sa mga malls at tourist spots.

Kasabay ng pagbubukas ng OTOP Philippines Hub ang pagsisimula ng Tatak Singkaban Trade Fair sa Eco Commercial Complex.

Linalahukan ito ng may 41 MSMEs mula Gitnang Luzon, Metro Manila at Zamboanga. Tatagal ito hanggang Setyembre 15.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews