LUNGSOD NG MALOLOS — Mahigit sa 1.4 milyong piso halaga mula sa Bottom Up Budgeting ang inilaan ng pamahalaang lungsod ng Malolos para sa Early Childhood Care Development o ECCD kits.
Ayon kay City Social and Welfare Development Office head Lolita Santos, naglalaman ang bawat isang kit na ibinahagi sa mga child development workers ng “manipulative materials” gaya ng wooden alphabet, classroom supplies, laruan at musical instruments, aklat, at sari-saring school supplies.
Pinagkalooban din ang bawat child development worker ng lapel microphone na siya na nilang gagamitin upang mas madaling maturuan ang mga bata.
Kumpleto rin ang ECCD kits sa t-shirts, jogging pants at payong. –Vinson F. Concepcion