P10 bilyon inilaan ng Landbank para sa programang ‘RISE UP LGUs’

Naglaan ng P10 bilyon ang Landbank of the Philippines para sa mga programa at proyekto ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa para sa mga naging epektong dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang naturang proyekto ay tinawag nilang “RISE UP LGUs” o Restoration and Invigoration Package for a Self-sufficient Economy towards UPgrowth for LGUs.

Sa ilalim ng RISE UP LGUs Lending Program, maaaring maka-avail ng loan ang mga provincial, city at municipal LGUs. 

Ang naturang programa ng Landbank ay inilunsad virtually ngayong Mierkoles kasabay ng regular meeting ng Union of Local Authorities of the Philippines o (ULAP), na siyang umbrella organization ng lahat ng  leagues of LGUs at locally elected government officials sa bansa. 

Ang nasabing virtual program ay pinangunahan nina LANDBANK President and CEO Cecilia C. Borromeo, ULAP National President Government Dakila Carlo E. Cua , at nilahukan din ng ULAP member-Leagues and officers kasama sin League of Provinces of the Philippines (LPP) National President Governor Presbitero J. Velasco, Jr., League of Cities of the Philippines (LCP) National President Mayor Evelio R. Leonardia ; at League of Municipalities of the Philippines (LMP) National President Mayor Luis C. Singsong. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews