Nasa tinatayang 10 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Port of Limay sa isinagawang raid sa bayan ng Orion, Bataan, Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat mula kay BOC Port of Limay District Collector William Balayo, sa bisa ng Letter of Authority na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, niraid ang Gian Franz Store at Cristy’s Farm Resort sa Barangay San Vicente, Orion, Bataan.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang mahigit 300 master cases ng mga sigarilyo na may 25 iba’t ibang brands na nagkakahalaga ng P10 milyon.
Ang mga nasabing sigarilyo ay pinaghihinalaang smuggled at peke.
Ayon sa BOC, ang pagpasok ng mga ito sa Pilipinas ay isang paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act at paglabag din sa Intellectual Property Code.