P130M inilaan ng Bulacan para sa bakuna

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan— Naglaan ng P130 milyong pondo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa COVID-19 vaccines para sa 2.5 milyong kuwalipikadong Bulakenyo.

Inaasahang darating ang nasabing COVID-19 vaccines sa susunod na buwan.Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, kabilang din sa inilaang pondo ay ang pagbili sa lima hanggang anim na freezers na paglalagyan ng mga bakuna.

Sinabi ng gobernador na base rin sa itinakda ng pamahalaang nasyunal ay 70% ng populsayon dito ang makikinabang o mababakunahan.

Dahil ang pamahalaang nasyonal aniya ang mangunguna sa malawakang pagbabakuna, at may mga pamahalaang lokal sa Bulacan na bibili ng kani-kanilang mga suplay, ang Kapitolyo naman ang pupuno sakaling kailanganin pa ng karagdagang suplay.

Hayagang sinabi ni Fernando na handang handa na ang lalawigan ng Bulacan sa pagdating ng bakuna kung saan ang Hiyas ng Bulacan Convention Center ang magiging vaccination center
 Ayon kay Fernando, uunahin mabakunahan ang 833 frontliners kung saan hinihikayat niya ang mga kuwalipikadong Bulakenyo na magpabakuna upang manumbalik na sa normal ang lahat.
Sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA)-Bulacan Information Center kay Dra. Hjordis Celis, head ng Response Cluster ng Provincial Task Force against COVID-19, sa ginawang dry-run sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos na magiging vaccination center, kabilang sa kinakausap ng Kapitolyo ang gumagawa ng bakunang AstraZeneca ng United Kingdom.

Samantala, bilang Bulacan Vaccination Center, ang loob ng Pavillion ng Hiyas ng Bulacan Convention Center ay nilagyan ng anim na mga partisyon sang-ayon sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kabilang dito ang waiting area, registration area, counseling area, screening area, vaccination area at observation area. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews